December 27, 2024

7 FREELANCE MODEL, NASAGIP SA HUMAN TRAFFICKING

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Immigration-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang umano’y human trafficker at nasagip ang pitong freelance models.

Ayon sa NBI, pinangakuan ng suspek na si Diane Manarang ang mga freelance model, kabilang ang isang menor edad, na pasisikatin sila kung susunod sila sa utos.

“Ang sinasabi niya na siya ay konektado sa mga film, magazines, na pwede niyang magamit itong mga models. Isang bonus niya ay yung pag-aalok niya ng sexual na serbisyo dito sa mga models after the event,” saad ni NBI Assistant Director for Regional Offices Atty. Lito Magno.

“Yung lalabas na bayad ay umaabot mula sa P20,000 hanggang P100,000, P200,000,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, itinanggi ng suspek ang mga alegasyon.

“False accusations po lahat yun kasi event model po talaga kami lahat and lahat ng ito ay setup lang po kasi may mga taong inggit sa akin,” sambit ni Manarang.

Kasalukuyang hawak na ngayon ng NBI ang cellphone ng suspek na magsisilbi bilang ebidensiya sapagka’t naroon ang listahan ng kanyang mga parokyano.

“Dahil sa batas natin pagmay menor na involved at nata-trafficking that is already qualified as human trafficking activity. Pangalawa rin naman dahil sa dami ng kanyang dinala at narescue natin again qualified pa rin ito. Two different sections, papasok siya sa qualified human trafficking,” saad ni Magno.