NAHAHARAP ngayon sa kasong kriminal sa korte ang dalawang tinedyer na inaakusahang humalay at sumakal sa 7-anyos na batang babae sa Brgy. Landayan, San Pedro, Laguna.
Sa pinadalang ulat ni San Pedro Acting Police Chief, Police Lieutenant Colonel Socrates S. Jaca, inirekomenda na ng piskalya ang pagsasampa ng kasong rape-slay laban sa dalawang hinihinalang salarin na isang 16-anyos at isang 17-anyos.
Nabatid na may nakitang probable cause si Investigating Prosecutor Cecille L. Francisco-Redimano upang kasuhan ng rape at homicide ang dalawang CICL o ang tinatawag na Children-in-conflict-with-the-law.
Ang dalawang respondents na sina CICL YYY at ZZZ, na nadakip matapos sa hot-pursuit operation ng mga tanod ng barangay at mga operatiba ng San Pedro City Police Station ay pinaniniwalaang responsable sa pagpaslang sa biktimang si AAA.
Sa pagrekomenda ng kaso, ginamit na batayan ng piskal ang resulta nang ginawang medico legal examination sa batang biktima na nakitang may malalim na sugat sa kaselanan at nasirang hymen at napatunayang pinatay sa pamamagitan nang pagsakal. Napatunayan din na sina YYY at ZZZ ay nagsabwatan o nagtulong upang patayin ang biktima.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda