
Matapos ang ilang taon na pagtatago sa batas, naaresto ng pulisya ang No. 6 most wanted person sa Calabarzon sa Batangas City nitong Sabado.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang suspek na si Marlon Abela, 28, ng Sitio Binulihan, Barangay Talahib Pandayan, Batangas City.
Nadakip si Abela sa ikinasang joint manhunt operation ng Regional Intelligence Unit-4A at Integrity Monitoring and Enforcement Group-Batangas.
May warrant of arrest ang suspek dahil sa kasong may kinalaman sa rape at acts of lasciviousness.
Nakapiit na si Abela sa Batangas City Police Station at nakatakdang iharap sa husgado.
“The PNP is going after wanted persons because we want them to put behind bars after years of evading arrest,” ayon kay Sinas.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO