November 5, 2024

674 ESTUDYANTE NAKATANGGAP NG TIG-P5K FINANCIAL ASSISTANCE SA MAYNILA

PHOTO: MANILA PIO

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong ng lokal na pamahalaan para sa mga estudyante na kabilang sa indigent families.

Katuwang si Department of Social Welfare head Re Fugoso, umabot sa P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa 674 beneficiaries mula sa iba’t ibang distrito ng siyudad.

Ang nasabing tulong ay bahagi ng Educational Assistance Program (EAP), isang locally-funded regular program ng MSWD.

Layon nitong magkaloob ng P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.

Ayon kay Lacuna, kabilang sa mga recipients na tumanggap ng ayuda ay 388 beneficiaries mula sa District 1 na umabot sa ₱1,940,000; District 4 na may 150 beneficiaries na nabigyan ng kabuuang ₱750,000; at District 6 na may 136 beneficiaries o kabuuang ₱680,000 ayuda.

Samantala, sinabi naman ni Fugoso na kabilang sa mga maaaring maging benepisyaryo ng programa ay yaong mga enrolled students mula elementary hanggang Grade 11 at dapat na nagmula ito sa indigent families.

Kabilang rin aniya sa mga requirements para mapabilang sa programa ay ang mga sumusunod: social case study, barangay certificate of indigency, certificate of enrollment at picture ng bata kasama ang magulang o mga magulang.