January 24, 2025

62 points combination nina Davis at James, bumida sa pagpapasabog ng Lakers sa Rockets

Nagtala ng 62 points combination sina Anthony Davis at LeBron James sa panalo ng Los Angeles Lakers sa Game 2.

Pinasabog ng Lakers ang Houston Rockets, 117-109 upang itabla sa 1-1 ang serye sa Western Conference semifinals.

(Mark J. Terrill / Associated Press)

Bumuslo si Davis ng 34 points, 10 bords at 4 assists. Habang nag-ambag naman si LeBron ng 28 points, 2 boards at 7 assists. Malaking tulong rin ang ginawa ni Markieff Morris na nagtala ng 16 points at 5 boards.

Lumamang ng 21 puntos ang Lakers sa second quarter. Nag-iwan din ito ng 16 points na lamang sa first half. Ngunit, nakahabol ang Rockets dahil sa 42 points sa third quarter.

Pagsapot ng 4rth quarter, naging dikit ang laban. Ngunit, nakaungos ang Lakers sa nalalabing 5 minuto ng laro.

Kumamada naman si Eric Gordon ng 24 points, 2 boards at 3 assists sa Rockets. Nagtala naman si James Harden ng 22 points, 2 boards at 7 assists.

https://www.youtube.com/watch?v=HpZ-Bm4a2YI

Narito ang stats sa Lakers-Rockets sa Game 2

HOU:Eric Gordon: 24 Pts. 2 Rebs. 3 Asts. 1 Blks. James Harden: 22 Pts. 2 Rebs. 7 Asts. 2 Stls. P.J. Tucker: 18 Pts. 11 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Robert Covington: 17 Pts. 3 Rebs. 1 Stls. 1 Blks. Russell Westbrook: 10 Pts. 12 Rebs. 4 Asts. 2 Stls.

LAL:Anthony Davis: 34 Pts. 10 Rebs. 4 Asts. 1 Blks. LeBron James: 28 Pts. 11 Rebs. 9 Asts. 4 Stls. 2 Blks. Markieff Morris: 16 Pts. 5 Rebs. Kyle Kuzma: 13 Pts. 6 Rebs. 1 Stls. 1 Blks.Rajon Rondo: 10 Pts. 3 Rebs. 9 Asts. 5 Stls.