December 25, 2024

600 PRESO SA METRO MANILA TINAMAAN NG PIGSA, GALIS DAHIL SA INIT

Nasa 600 persons deprived of liberty (PDLs) sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila ang napaulat ay mayroong sakit na pigsa at galis dahil sa matinding init.

Ayon kay BJMP chief Ruel Rivera, dapat matugunan kaagad ang isyu sa kalusugan sa siksikang kulungan.

Nakipag-ugnayan na rin ang BJMP sa Department of Health (DOH) at nag-hire ng maraming doktor para tugunan ang problema. Mayroon na rin silang jail nurses na naka-duty upang punan ang problema ng mga PDLs sa buong araw.

Bukod sa galis at pigsa, may mga PDLs na rin ang tinamaan ng sore eyes dahil sa init.

Ayon din sa opisyal, kumikilos na ang mga awtoridad para maayos ang sitwasyon ng PDLs ngayong tag-init sa pamamagitan  ng pagdadagdag ng mga electric fan at pagkakabit ng air shafts sa loob ng mga piitan.

The jail official said that authorities were working to improve the situation of the PDLs during the dry season by providing additional electric fans and installing air shafts inside jails.

Hinimok din ni Rivera ang BJMP regional directors na tiyakin na nakaliligo nang maayos ang mga bilanggo upang malabanan ang matinding init.

Patuloy din aniya ang kanilang pagsisikap upang mabawasan ang pagsisikip ng kulungan sa buong bansa.