Fire out na pasado 11:42 kaninang umaga ang sunog na na sumiklab sa isang residential at commercial building, sa Muelle de Binondo Manila, matapos ang halos mahigit 2 oras na pagsiklab ng apoy, na nangyari 9:30 ng umaga, na tumupok sa buong floor ng ika -anim na palapag ng gusali ng Birch Free Building.
Dahil sa taas ng gusali naging pahirapan ang pagbomba ng tubig ng mga bumbero, kung kaya’t Sa kalagitnaan nito ay naubusan sila ng supply ng tubig.
Mabuti nalamang, halos kalapit ng sunog ang ilog Pasig kung saan dito naisipan ng mga bumbero na kumuha ng tubig, para maapula ang apoy. pasado 11:20 kanina ng ideklarang itong fire under control ang sunog.
Ayon sa kagawad ng barangay 287, na si Roger Uy, nagmula daw ang apoy sa imbakan o warehouse repacking ng ibat-ibang general merchandise, ng lazada, at shopee ng isang online seller.
Halos nasa 39 naman na Fire Volunteers at Ambulance, ang nakibahagi sa pagresponde sa sunog, na umabot lamang sa 2nd alarm.
Wala naman napaulat na casualties, o nasaktan at nasawi sa nasabing sunog.
Samantala ayon sa isang lalaki naman ang malungkot sa nangyari, dahil 6 NA HK VISION CCTV CAMERA, AT 4 NA APARATO NG BIOMETRIC ang nawala sa kanyang gamit, na halos malayo naman mula sa pinangyarihan ng sunog.
Samantala Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy, at kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na natupok.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW