INARESTO ng pulisya ang anim katao matapos gumawa ng kaguluhan at mag-iskandalo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police ang inarestong mga suspek na sina Jm Gumagay, 28, delivery courier officer, Jeylord Morales, 33, account officer, Eric Jimenez, 20, helper, Jay Mark Kidlat, 24, construction worker, Christian Suela, 21, construction worker, at Rey Escultero, 20, construction worker at pawang residente ng lungsod.
Sa imbestigasyon nina : PCpl Renz Marlon Baniqued at PCpl Rocky Pagindas, nakatanggap ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Staion 5 ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng kalalakihan na nagsasagawa kaguluhan at nagsusuntukan sa Blk 9, Hiwas St., Brgy. Longos.
Kaagad silang rumesponde sa nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na gumagawa ng gulo at nagsusuntukan habang nagsisigaw dakong alas-12:30 ng madaling araw kaya tinangka na silang awatin ng mga pulis.
Gayunman, nagpatuloy pa rin umano ang mga suspek sa kanilang pag-iiskandalo na naging dahilan upang arestuhin na sila ng mga pulis saka dinala sa himpilan ng pulisya para sa investigation at documentation.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON