November 18, 2024

55 CHINESE VESSEL NAISPATAN SA WPS

Aabot sa 55 mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa iba’t-ibang features ng West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad ang naturang mga barkong namataan sa ilang bahagi ng naturang teritoryo ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Bajo de Masinloc – 1 Chinese Coast Guard vessels, 24 Chinese maritime militia vessels
Ayungin Shoal – 1 Chinese Coast Guard vessel, 5 Chinese fishing vessels 
Pagasa Island – 1 Chinese Coast Guard vessel, 19 Chinese maritime militia vessels
Panata Island – 2 Chinese maritime militia vessels
Lawak Island – 1 People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessel

Samantala, sa kabila nito ay inihayag naman ni Commo. Trinidad na wala naman silang na-monitor na anumang agresibong aksyon at mga aktibidad na ginagawa ng mga ito.