BAGUIO CITY – NABIYAYAAN ng ayuda ang nasa 533 residente ng Baguio City mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni ‘Supremo’ Senador Lito Lapid.
Bukod aq AICS, nag-abot din ng P1 million medical assistance si Sen. Lapid sa mga mahihirap na pasyente
sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Ayon kay Lapid, maliit man ang halaga, umaasa syang malaki ang maitutulong ng ayuda sa mga mahihirap na residente ng Baguio, lalo na’t mahal ang mga bilihin sa ngayon.
Sinabi naman ni Director Leo Quintilla, DSWD-Cordillera Administrative Region (CAR), sa tulong ni Sen. Lapid napondohan ang ayuda 333 pamilya na tumanggap ng tig-P3,000 food subsidy at 200 estudyante na tumanggap ng tig-P5,000 educational assistance.
Sabi pa ni Quintilla, maaaring mag-apply ang isang indibidwal sa AICS program, kahit walk-in, pero sa kundisyon na hindi pa sila nakakuha ng ayuda sa loob ng tatlong buwan at isasailalim sa screening process.
“They can come anytime if they need help and we will attend to them. They just need to submit the requirement,” ayon pa kay Quintilla.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Bejie Magalong kina Senador Lapid at TIEZA COO Mark Lapid sa mga naitulong ng mag-ama sa summer capital of the Philippines. Ayon kay Magalong, nag-laan ang TIEZA ng P100 milyon inisyal na pondo para sa rehabilitasyon ng Burnham park at pagsasaayos ng Athletic bowl na popondohan ni Senador Lapid.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA