NANINIWALA ang lampas sa kalahati ng Pinoy na mapanganib para sa sinuman ang pupuna sa administrasyong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Isinagawa ang naturang survey noong Hulyo 3 hanggang 6 mula sa 1,555 respondents sa buong bansa, gamit ang mobile phone at computer-assisted interviews.
Sa naturang poll, 51 percent ang naniniwala na delikado ang mag-print o mag-broadcast ng anumang kritikal sa administrasyon, kahit pa ito ay katotohanan.
Samantala, 30 percent ang hindi pumabor habang 18 percent naman ang undecided.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE