Inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina QC District Councilor Maria Eleonor Juan at Mela Habijan ng Pride PH, ang mga gagawing aktibidades para sa selebrasyon ng Pride Month sa Quezon City. Inaasahang libo-libong LGBTQIA+ members at kaalyado ang lalahok sa Pride Festival na magaganap sa Quezon Memorial Circle sa Hunyo 24. Ayon sa Quezon City Government at Pride PH inaasahang nasa 50,000 katao ang lalahok sa isa sa pinakamalaking Pride celebrations sa bansa, kung saan mahihigitan nito ang 25,000 na naitalang dumalo noong nakaraang taon.

More Stories
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY
DOTr SEC. DIZON: MOTOVLOGGERS NA ABUSADO, ‘MATIK’ SUSPENDIDO
CUSTOMS PINURI NI MARCOS SA TAGUMPAY LABAN SA MONEY LAUNDERING