Panibagong batch ng Sinovac vaccines kontra Coronavirus Disease (COVID) ang dumating sa bansa kahapon.

Bandang alas-5:10 ng hapon nang lumapag sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong lulan ang nasa 500,000 doses ng Sinovac na binili ng gobyerno.
Nitong March 29 nang nai-deliver sa Pilipinas ang unang order na CoronaVac vaccines, habang may dalawa nang batch na donasyong bakuna ang natanggap na ng bansa.
Samantala, sa susunod na linggo naman inaasahang darating ang COVID vaccine mula Russia na Sputnik V.
More Stories
Xyrus Torres, Nagpakawala ng Tirang Panapos! NLEX Tinodas ang Ginebra, 89-86
BAGONG SANTO PAPA, HAHARAP SA ‘MAHIRAP AT MASALIMUOT’ NA PANAHON SA KASAYSAYAN
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam