
Mahigit sa 500 na miyembro ng Associated Philippine Seafarers’ Uninon, na kaanib ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang nakatakdang bakunahan ngayong araw, Hulyo 6 sa Taguig City Vaccination Hub na matatagpuan sa Bonifacio High Street, BGC (malapit sa Seda Hotel).
Ang naturang vaccination sa APSU-TUCP seafarers union members kontra COVID-19 ay bahagi ng patuloy na programa ng gobyerno na mabakunahan ang Filipinong marino bilang sandalan ng global shipping industry at binibigyang pagpapahalaga ang kanilang ginagampanang tungkulin para mabuhay ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ninyo lamang si ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay sa numerong CP#091908132727.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na