PASAY CITY – Umabot sa 500 Toda members ang nabigyan ng 1st dose ng COVID-19 vaccine sa Giga Vaccination Center sa MOA Complex sa nasabing siyudad.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano maglalagay sila ng mga stickers sa mga tricycle bilang palatandaang na bakunado na ang driver upang maging kumpiyansa ang mga pasahero sumakay at ligtas din sila sa virus ng Covid-19.
Ayon kay Rubiano nasa 2,700 kabuuang bilang ang miyembro ng Toda sa Pasay kung saan sila ang priority na mabakuhan dahil maitururing din slang mga frontliners dahil sa kanilang trabaho.
Kailangan din kasing matiyak ang kalusugan ng mga driver at kanilang mga pamilya at maging ang mga pasaherong sumasakay ng tricycle. Sa ngayon ay target ang limang daan Toda member ang mabigyan ng 1st dose ng Sinovac Vaccines.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA