December 27, 2024

500 INDIBIDWAL NABIGYAN SA COMMUNITY PANTRY NG CDC

CLARK FREEPORT— Umabot sa 500 indigents, kabilang ang 150 piling senior citizens sa Barangay Margot sa Angeles City ang nabiyayaan sa community pantry ng Clark Development Corporation (CDC) na isinagawa kamakailan lang sa Barangay Margot covered court.

Ang community pantry ay isang joint project sa pagitan ng CDC at Clark locators bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) projects.

Kabilang sa partner locators ng CDC ay ang Clark Marriott Hotel, Global Square Plaza Phils. Corp., COEX Inc., DH Philippines Electrical Corp., Metro Clark Waste Management Corp., Clark Resort Travel and Amusement Corp., BW Manufacturing Corp., at Gold Tree Tobacco Manufacturing Corp. na nag-ambag sa nasabing community pantry.

Nakibahagi rin sa inisyatiba ang Advantest Philippines Inc., Evertrust Business Solutions Inc., at Outback Five Star Clark Philippines Inc.

Ang mga donasyon ay sari-saring grocery items, food packs, sariwang gulay, at face mask na ipinamahagi sa mga residente sa naturang aktibidad.


Samantala, pinuri naman ni CDC Chairman Atty. Edgardo D. Pamintuan ang atkibidad kasama sina CDC Vice President for Admin and Finance Engr. Mariza O. Mandocdoc and CDC Assistant Vice President for External Affairs Rommel C. Narciso.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina CDC External Affairs Assistant Manager Ronald Antonio at CDC Public Safety Division (PSD) Manager Antonio V. Rosario Jr.

Ibinahagi naman ni Mandocdoc ang kanyang makabuluhang mensahe sa mga benepisyaryo bilang pagtatapos ng programa.

“The help that our locators are able to give and CDC’s growth are considered blessings that we happily share to you. There will be many more to come in the future,” saad niya.

Ang mga nakiisa na CDC officers ay sina Global Square Plaza Phils. Corp. Chairman Shin Duk Young, Clark Marriott General Manager Goeran Soelter, and Outback Five Star Clark Phils. Inc. Admin Manager Maricon Angeles, at iba pa.

Nagpasalamat naman si Barangay Chairman Jose A. Bagang sa CDC at sa partner locators nito para ibinahagi na blessings at upang maging matagumpay ang aktibidad.

Noong Hulyo 2021, inorganisa ng CDC ang kauna-unahan nitong community pantry sa Barangay Sapang Bato kung saan 700 residente ang nakinabang.

Patuloy na nagbibigay ang state-owned firm sa mga katabing komunidad ng Clark sa pamamagitan ng CSR programs nito na layong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan.