KULONG ang isang babae na sangkot umano sa pagtutulak ng shabu, marijuana at marijuana oil matapos maaresto ng pulisya, kasama ang apat niyang parokyano sa buy bust operation sa Malabon City.
Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang buy bust operation kontra kay alyas “Negra”, 30, matapos ang natanggap nilang impormasyon na hindi lang shabu kundi maging marijuana at marijuana oil ay ibinibenta din umano nito sa kanyang mga parokyano.
Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga operatiba ng DDEU ang bahay ng suspek sa No. 163 East River Side, Brgy. Potrero matapos matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer.
Dinakip din ng mga operatiba sina alyas “Ericson”, 35, alyas “Eric”, 39, lalamove driver, alyas “Uli”, 39, fire pump installer at alyas “Puti”, 23, matapos maabutang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng bahay ni alyas Negra na ginagawa din umanong drug den.
Nakumpiska sa loob ng bahay ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000, 5 grams ng umano’y kush marijuana na nagkakahalaga ng P7,500, walong pirasong vape ng suspected cannabis oil na may katumbas na halagang P56,000, buy bust money na isang genuine P1,000 bill at apat pirasong P1,000 boodle money, ilang drug paraphernalias, at cellphone.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs ), Section 12 (Possession of Paraphernalia) and Section 13 (Pot Session) under Article II of RA 9165 ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa piskalya ng Lungsod ng Malabon.
More Stories
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan
DOH PINURI NI BONG GO (Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior)