Matapos ilunsad noong Oktubre, pinangalanan ng Quezon City Government ang limang finalists na patuloy na maglalaban sa financial grant sa pagtatapos ng StartUp QC program.
Sa halos 70 aplikante, tanging lima lamang ang pumasa sa mahigpit na proseo ng pagpili at pagsusuri. Ang limang ito ay magpapatuloy sa coaching at mentoring phase ng programa.
“These finalists stood out among the other applicants because we are looking for viable, sustainable, and socially-responsive startups who can contribute to the development of the city. These five (5) have promising business models which through the help of mentors can be fine-tuned for execution,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
“Through the Startup QC Program, our goal is to inspire these entrepreneurs to develop their promising innovative ideas, refine their business models and find solutions that aim to solve the pressing challenges of the city and hopefully enable these startups to compete on a global stage,” sambit naman ni Local Economic Investment Promotions Office Head Jay Gatmaitan.
Kabilang sa finalist ay ang Bamboo Impact Lab na nagbibigay ng high-quality, bamboo-deprived products; Eduksine Production Corporation na ang website at mobile application ay tumutugon sa educational at socially relevant films na magbibigay-daan sa block screening at individual access; at ITOOH E-Furniture and Design Inc. na siyang unang tech-enabled marketplace sa Pilipinas para sa quality-vetted home at office furnishings.
Kabilang din sa listahan ang Indigo Artificial Intelligence Research Inc. na nagbibigay ng general-purpose AI capabilities tulad ng multilangguage engine na maaring maunawaan ang iba’t ibang wika at colloquial variants; at Wika na isang accessibility service provider na magbibigay ng iba’t ibang tulong sa mga tao na may hearing at/o visual disabilities sa pamamagitan ng mobile app at hardware na mag-accommodate ng visual aid at user-generated content.
“We remained true to our mission and vision to make Quezon City the preferred business destination and make it a business-friendly city that has an environment for sustainable development and inclusive growth,” ayon kay Vice Mayor Gian Sotto.
Sa pag-arangkada ng event, ang starups ay ipakilala sa partners at mentors na gagabay sa kanila sa pamamagitan ng learning sessions. At sa Agosto, ang limang finalist ay ipapakita ang kanilang final pithches sa Demo Day. Ang mananalo sa startups ay makatatanggap ng pinansiyal na tulong na nagkakahalaga ng P1 milyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA