December 25, 2024

4rth Philippine Sports Hall of Fame enshrinement, pinalawig hanggang Enero 2021

Pinahaba hanggang Enero 31, 2021 ang mga nominasyon para sa ikaapat na enshrinement ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF).

 “In light of the coronavirus (COVID-19) pandemic, the selection committee has decided to extend the nominations to give equal opportunity for the public to submit their nominations, and for us to study it,” ani PSHOF 2020 Committee Chairperson at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez.

Ito ay pagkatapos ng committee selection met nung second week ng Nobyembre. Kung saan, ito ang orihinal na buwan ng pagluluklok (enshrinement).

Aniya, balak din ng kumite na igawad ang parangal via online. Ito ay dahil sa current restrictions na ipinatutupad sa mass gatherings.

 “We have to make proper adjustments to ensure the safety of everyone,” aniya.

Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal noon ay sina Filipino Boxing legend Gabriel “Flash” Elorde, Asia’s First Chess Grandmaster Eugene Torre. Sina Asia’s Fastest Woman Lydia de Vega, at Bowling World champion Rafael “Paeng” Nepomuceno at Olivia “Bong” Coo.