Naniniwala ang 46% ng mga Filipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan o sa susunod na taon, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS)
Ang SWS survey na isinagawa sa pagitan ng Hunyo 28 at Hulyo 1, 46% ng mga natanong na indibidwal ang nagsabing gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa mga susunod na buwan habang 44% sa kanila ang nagsabing walang pagbabago.
Habang 5% ay hindi nagbigay ng kanilang kasagutan.
Kabuuang 1,500 respondents ang tinanong sa naturang survey kung saan pinakamarami sa mga sumagot ng positibo ay mula balanced Luzon na may plus 44.
Sumunod dito ang Metro Manila na may plus 41; Visayas na may plus 39, habanga ang Mindanao ay may plus 36.
Ang margin of error ng naturang survey ay nasa plus or minus 2.5%.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA