Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isa ang namatay at 212 pa ang nasugatan dahil sa paputok.
Dahil dito, umabot na sa 443 ang naitalang injuries dahil sa paputok.
Ayon sa health officials, isang lalaki ang nag-itsa ng sigarilyo sa may tindahan ng paputok habang nakikipag-inuman kasama ang kanyang mga kaibigan noong Disyembre 26. Nagresulta ito ng isang pagsabog na ikinasugat ng apat iba pa at ikinasugat ng 21 kabahayan, ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez.
“A 38-year-old male from Dagupan, Pangsinan died from multiple physical injuries secondary to blasting incident. Three others were with him when a lit cigarette was thrown in a lot that contained fireworks,” sambit naman ni DOH Usec. Eric Tayag.
Isang 23-anyos naman na indibidwal sa Davao Region ang tinamaan ng ligaw nab ala sa kanyang kaliwang bahagi ng kanyang likod.
Una nang iniulat ng Philippine National Police na may namatay dahil sa ligaw nab ala, pero hindi ba ito bineberepika ng DOH.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK