Umaani ng karamihang suporta at ilan ding kritiko ang dating TV host/video jockey na si Katherine “Kat” Alano kasunod ng pagbalik-tanaw nito sa pagiging rape victim.
Sa pagbunyag kasi ng ngayo’y 34 years old na si Alano, hindi katukso-tukso bagkus ay tipikal na T-shirt at jeans ang kanyang suot noong siya ay gahasain ng isang sikat na celebrity.
Pakikiisa ito ni Alano sa apela na huwag sisihin ang mga nabibiktima ng anumang uri ng sexual assault na kadalasan ay ibinabase sa pananamit.
And for all those who bashed me and enjoyed my downfall, I still stand by my truth. That man is a serial rapist. And #RapeisRape #HijaAko,” dagdag nito.
Ugat ng panawagan ay ang komento ng singer na si Frankie Pangilinan laban sa Quezon Province Police Station matapos payuhan ang mga kababaihan na ayusin ang pananamit upang hindi targetin ng mga manyak.
Si Frankie ay panganay na anak nina Senator Francis Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.
Para rin sa aktres na si Lauren Young, hindi dedepende sa pananamit ng isang babae ang mga sexual harassment incidents tulad niya noon na hindi naman naka-sexy attire sa Boracay pero biglang mayroong dumakma sa kanyang dibdib.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA