
NAARESTO kahapon ng umaga, araw ng Miyerkules (April 9, 2025). ang 42 undocumented foreign Chinese nationals sa isang private beach resort sa Barangay Villa Norte sa Alabat Island, Quezon, ng pinagsanib na puwesa ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, Bureau of Immigration at ng mga tropa ng Police Regional Office 4A sa pangunguna ni Calabarzon Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T Lucas.
Ayon sa nakalap nating report ang apatnapu’t dalawang Chinese nationals ay kinuha para magtrabaho bilang mga construction workers para magtayo ng mga wind mill sa Alabat Wind Power Corporation, na pagmamay-ari ni dating Energy Secretary Vince Perez.
Sinabi naman ni General Lucas, na. bago ang operasyon a nakatanggap sila ng report dahil sa pagdagsa ng mga chinese nationals na sumasakay ng barko patungo sa nasabing isla at isinasakay sa mga van bago inihahatid sa nabanggit na high end resort na ipinagbabawal sa ibang mga turista.
Nasa kustodiya ngayon ng Police Regional Office 4A ang mga naarestong dayuhan para isailalim sa proper documentation at biometrics. Inaalam na din ng PAOCC kung ang mga nahuling mga dayuhan ay ilan sa mga nakaligtas na pogo workers sa kanilang mga nagdaang operasyon laban sa Illegal Pogo Hub na ipinagbabawal na sa ating bansa. (KOI HIPOLITO)
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na