ARESTADO ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang 41 indibidwal na sangkot sa cybersex syndicates sa Valenzuela City at Batangas noong Martes.
Sa ipinadalang report ni PBGen. Robert Rodriguez, director ng PNP ACG kay Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, PNP chief, nagpanggap ang mga suspek bilang call center representatives sa commercial establishments sa Paso de Blas, Valenzuela City at Lipa City, Batangas at isang residential area sa Sto. Tomas, Batangas.
Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga awtoridad kaugnay sa kahina-hinalang mga aktibidad sa nasabing mga lugar sa pamamagitan ng E-ACCESS (Enhanced, Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety and Security).
Batay sa imbestigasyon ng ACG na itong mga cybersex syndicates ay nambibiktima ng LGBT members kung saan ino-offer sa kanila ang isang malaswa o erotic massage services na maaari lamang nila i-avail matapos bayaran ang registration fees gamit ang kanilang credit cards.
Sinabi ni Rodriguez, ang mga suspek ay nagpapanggap bilang nga US-based young and attractive males and females.
Sa sandaling makakuha na ng 50 US dollars sa credit card account ng kanilang mga biktima ay agad na nilang i-blocked ang online registration ng mga ito.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga desktop computers na isasailalim sa digital forensic examinations.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Valenzuela City Police Station, Lipa City Police Station at Sto. Tomas City Police Station ang mga nahuling suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”.
Pinuri naman ni PNP Chied Gen. Guillermo Eleazar ang matagumpay na operasyon ng ACG at ang pagkahuli ng mga cybercrime suspects ay nagpapakita lamang na epektibo ang pakikipag-ugnayan at pagtugon ng kumunidad sa panawagan ng PNP sa pamamagitan ng mga pinapatupad na programa para mas mapabilis ang pagkahuli at dina makapangbiktima pa ang mga suspek.
Giit ni PNP Chief, ang PNP E-ACCESS ay bunga ng mas pinaigting na Intensified Cleanliness Policy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA