Nakapagtala ang Department of Health ng 4,002 panibagong kaso ng coronavirus disease, dahilan para umabot ito sa 147,526 ngayong Huwebes, Agosto 13.
Sa kabuang bilang, 74,713 ang kinokonsiderang aktibo. Karamihan sa kaso o 91.2% ay mild cases, 7.3 ang asymptomatic, 0.6 ang severe cases, habang 0.9% ang kritikal.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming panibagong kaso ng COVID-19 na may 2,445 cases, na sinundan ng Laguna na may 319 cases at Cebu na may 212 cases.
Samantala, nakapatala ang DOH ng panibagong 1,403 recoveries, dahilan para umakyat ang bilang sa 70,387 ng gumaling.
Habang 2,426 na ang COVID-19 related deaths sa bansa matapos mapaulat na nadagdagan ng 23 ang listahan ng mga nasawi.
Samantala tinanggal naman ang 225 duplicates mula sa kabuang bilang ng kaso sa bansa.
Sa bilang na ito, 12 recovered cases at 1 deaths ang inalis.
Isa naman ang iniulat na nakarekober ang na-validate na pumanaw at naisama na rin sa kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?