Arestado ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Beside Camella homes Subd. Gate, sa Galas St, Brgy. Bignay.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P500 halaga ng shabu kay Menardo Denilla, 29, at Mark Alvin EStrella, 35, kapwa ng Galas St. Brgy. Bignay.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, marked money, P300 cash, dalawang cellphones at isang motorsiklo.
Nauna rito, bandang alas-11:30 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Joy St., Brgy. Punturin si Raymond Dinglasan, 38, at Ernesto Rodriguez, 51, matapos bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, marked money, P790.00 cash, dalawang cellphones at isang kulay green na Honda Civic (WCU-367).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA