May apat na lugar na kinokonsidera ng PBA na maging host ng bubble concept ng liga. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, isasapinal na sa meeting next week ng board— kung ano ang type ng bubble ang ikakasa nila.
Aniya, 19 sites ang nagnanais maging host. Ngunit, hindi pa niya inihayag kung ano ang mga iyon.
Kaugnay dito, may 4 na sites ang naglatag para pagdausan ng bubble.Kabilang na rito ang Lio Beach sa El Nido, Palawan.Gayundin ang Clark, Pampanga, Marriott Hotel sa Pasay at Pontefino sa Batangas City.
“Thursday magme-meeting ulit kami siguro to finalize kung sino sa tatlo yung pipiliin namin,”aniMarcial.
“Pag-uusapan din namin kung anong klaseng bubble at format.”
“Yung binigay kung format may seven times a week, may five times a week at merong six times a week.”
“Meron ding doubleheader, may tripleheader, may combination— so pag-uusapan yun,” aniya.
Target ng PBA na lumarga na sa susunod na buwan ang ika-45 season ng longest pro-basketball league ng bansa.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na