SIMULA sa June 1 ( Huwebes ) ay apat (4) na International airlines ang lilipat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa NAIA Terminal 1 sa ilalim ng Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) program ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Sinabi ng MIAA-Media Affairs Division na ang Jeju Air, Ethiopian Airlines, Thai Airways at Gulf Air ay lilipat sa bagong tahanan nito sa NAIA terminal 3 habang ang Philippine Airlines ay magsisimulang mag-operate ng lahat ng kanilang mga international flights sa Terminal 1 sa darating na June 16.
Noong nakaraang Abril 16, ang China Southern, Jetstar, Scoot, at Starlux ay lumipat na sa Terminal 3 mula sa terminal 1.
Ayon sa MIAA, ang unang yugto ng STAR program na ipinatupad noong Abril 16, 2023 ay may kabuuang 3,311 pasahero na sumakay sa 22 flight na apektado ng mga bagong terminal assignment.
“Kami ay nasisiyahan sa kung gaano kahusay ang paglipat ng mga carrier na ito. Ito ay resulta ng aming mga buwan ng koordinasyon sa mga airline at ground handler,” sabi ng isang opisyal ng MIAA na binanggit na 2% lamang ng mga pasahero ang na-misroute—28 sa Terminal 1 at 43 sa Terminal habang walang na-offload bilang resulta ng muling pagtatalaga ng terminal noong nakaraang Abril 16.
Tiniyak naman ng ground handler ang presensya ng kanilang mga tauhan sa mga departure gate para tulungan ang mga pasahero sa kanilang mga pangangailangan sa paglilipat.
“Terminal changes occur for airlines all over the world, depending on the airport at which they operate. It’s all for the betterment of the system as a whole. Their passengers are our passengers. These passengers are our customers. Of course, we want to support the airlines. With the STAR program, our on-time performance will improve further, passengers will have a better airport experience and everyone will benefit,” paliwanag ng MIAA
Ang planong ito ay pinaghandaan upang maging mabuti ang kapasidad ng apat na terminal ng NAIA, kung saan ang NAIA Terminal 2 ay magiging ganap na domestic terminal na naaayon sa nilalayon nitong disenyo noong itinayo sa huling bahagi ng 1990s. Habang nagsusumikap ang MIAA sa higit pang pagpapalawak ng kapasidad ng NAIA Terminal 2, ang mga domestic operations ng Cebu Pacific ay mananatili pansamantala sa NAIA Terminals 3 at 4. ARSENIO TAN
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA