Naglatag na rin ng border control points ang Muntinlupa Police Office sa apat na lugar sa lungsod para sa 2-week ECQ sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mga lugar ng San Pedro-Tunasan Boundary, Susana Heights Exit, Sucat-Taguig Boundary, at Biazon Road – Alabang Boundary.
Pinayuhan ni Muntinlupa Chief-of-Police, PCol Melencio Maddatu Buslig ang mga residente na iwasan na muna ang mga non-essential travel.
Ayon kay PCol Buslig , tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APORs) ang papayagang makatawid sa mga checkpoints habang ang mga non-authorized person outside of residence ay hihilinging bumalik sa kanilang mga bahay.
Pangunahing babantayan ng mga police officers ang mga pasahero ng mga jeepneys, buses, at tricycles na hindi sumusunod sa minimum health tulad ng ‘di pagsusuot ng face mask at face shield at ang pagpapairal ng physical distancing.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK