PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Maj. Gen. Debold Sinas ang Northern Police District (NPD) matapos makakumpiska ng higit sa P.8 milyon halaga ng shabu at isang baril sa apat na drug personalities na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naarestong suspek na si Reynaldo Mabbun, 47, Michelle Concepcion, 42, kapwa ng San Diego St. Brgy. Canumay West, Oliver Edoria, 38, ng P. Santiago St. Brgy. Paso de Blas at Josephus Jadraque, 36, ng New Prodon, Brgy. Gen. T. De Leon na resulta ng dalawang linggong surveillance operation na isinagawa ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr.
Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang operation laban sa mga suspek at mula sa intelligence report na ibinigay ng Intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay nakilala bilang si Reynaldo Mabbun.
Dakong alas-11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I sa bahay ni Mabbun sa San Diego St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, cal. 357 Magnum Smith at Wesson revolver na kargado ng 5 bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng 2 piraso tunay na P1,000 bill at 10 piraso boodle money, 2 cellphone at P1,400 drug money.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE