CANDELARIA, ZAMBALES – Nasabat ng mga pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pangunguna ni Director General Alex Paul Monteagudo, Bureau of Customs (BOC), at ng PDEA na namuno sa operasyon sa ilalim naman ni Director General Wilkins Villanueva, ang 500 kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000,000 nitong araw ng Martes sa Candelaria, Zambales.
Ayon kina PGen. Eleazar at PDEA DG. Wilkins Villanueva, napatay din ang apat na mga suspek na pawang mga Chinese nationals na nagtangkang tumakas habang nakikipagbarilan sa mga otoridad sa nangyaring malaking anti-illegal drugs operation.
Ang mga napatay na mga suspek ay sina Gao Manzhu, 49, Hong Jianshe, 58, Eddie Tan, 60-anyos, na pare-parehong mga galing ng Fujian, China at si Xu Youha, 50, residente ng Quezon City.
Base naman kay PGen. Eleazar ang mga napatay na suspek ay kilalang mga nagpapakalat ng mga iligal na droga sa Luzon, partikular na sa Metro Manila, Central Luzon at sa Calabarzon.
Sinabi naman ni DG Villanueva, na ang naturang operasyon ay nag-ugat sa matiyaga nilang pagmamanman matapos nilang matukoy ang modus operandi ni Xu Youha alyas “Taba” na sinasabing isa sa mga key players sa pagbebenta ng droga sa bansa na huling natukoy na nakikipag-transaksyon sa labas ng bansa, ayon na rin sa ginawang monitoring ng PDEA.
Bago ang nangyaring engkuwentro ng mga otoridad sa mga suspek ay nagawang makipatransaksyon ng isang Pdea agent sa grupo ni Xu para umano bumili ng shabu na nagresulta ng pagkamatay ng apat na suspek.
Binanggit din ni DG Villanueva na ang mga droga ay ini-smuggled sa bansa na pinadadaan sa karagatan at ibinabagsak sa mga maliliit na bangka at dinadala sa baybayin dagat bago kinukuha ng mga local illegal drugs distributor.
Pinunto naman ni PGen Eleazar na ang naging tagumpay sa nabanggit na operasyon laban illegal na droga ay dahil na rin sa pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno partikular na ang PDEA.
Naniniwala din umano siya na ito ay isa sa kanilang malaking tagumpay ngayon taon para na rin tuloyan ng matigil ang banta ng iligal sa bansa. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY