December 24, 2024

3K NAVOTEÑOS NAKUHA NA ANG PINAKAHIHINTAY NA SAP 2ND TRANCHE

Nakuha na ng nasa 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP). Sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ay sinimulan ng ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region ang P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo. (JUVY LUCERO)

NAKUHA na ng nasa 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

Nasa 448 beneficiaries na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid, Sabado. Ang natirang 2,555 ay matanggap ang kanilang second tranche sa October 11-18, 2021.

“Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na beneficiary habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Tiangco sa DSWD.

Disyembre noong nakaraang taon, sumulat si Tiangco kay DSWD-NCR Director na si Vicente Gregorio Tomas hinggil sa mga ibinukod na pangalan ng mga benepisyaryo sa payroll ng second tranche SAP. Nagpadala siya ng kabuuang 51 liham na naglalaman ng 4,382 mga pangalan ng Navoteños. (JUVY LUCERO)