Nalampasan ni Fil-Am sprinter Kristina Knott ang 33-year-old national record ni Lydia De Vega-Mercado’s 100-meter dash.
Ito’y matapos rumekta sa silver medal sa Drake Blue Oval Meet sa Iowa.
Naitala ni Knott ang 11.27 seconds (+1.5 m/s), dahilan upang burahin ang record ni De Vega-Mercado’s sa PH at Southeast Asian Games.
Na ito ay may markang 11.28 seconds na naitala noong 1987 SEA Games sa Jakarta, Indonesia.
Ang nasabing record ni De Vega ay nailista, 8 taon bago isinilang si Knott. Kinilala naman ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang achievement ni Knott.
Katunayan, ipinahayag ito ng grupo sa kanilang Facebook account.
“KK (Knott) breaks sprint legend Lydia De Vega-Mercado’s 33-year 100m record with an 11.27s performance, coming in second at the Drake Blue Oval Showcase’s 100m event.”
“Congratulations KK!” saad sa post ng PATAFA na kina-congratulate ang sprinter.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo