Nasakote ng (DDEU) o District Drug Enforcement Unit sa Pasig City ang dalawang pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga.
Ayon kay Eastern Police District Director PBGen. Mathew Baccay, bandang alas-6:30 kagabi sa Brgy. Bambang, Pasig City nang malambat ng mga tauhan ng EPD-DDEU sa pangunguna ng hepe nito na si Police Major Darwin Guerrero ang dalawang suspek matapos bentahan ang mga pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Agad inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Mark Edison Gutierrez Suelo, alyas Alondra, 28 taong gulang, at Christopher Sevilla Galvan, 22 taong gulang.
Nakumpiska mula kina Suelo at Sevilla ang isang blue pouch na naglalaman ng 6 na sachet na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 45 gramo at nagkakahalaga ng P306.000 kabilang ang buy-bust money na P500.
Nadetine sa Pasig City PNP ang dalawa at nahaharap sa paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng R.A. 9165. (Ulat ni JOJIT ALCANTARA)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE