Tatlong higanteng mga pangalan sa bansa ang magsama-sama para sa P184.89 billion deal upang ilunsad ang kauna-unahan at pinakamahal na liquefied natural gas (LNG) facility sa lalawigan ng Batangas upang palakasin ang energy security at i-promote ang mas malinis na energy.
Inanunsiyo ng Meralco PowerGen Corp, Aboitiz Power Corp at San Miguel Global Power Holing Corp. (SMGP) ang kanilang landmark agreement noong Linggo ng umaga.
“For the first time, three leading power companies are working together to secure our country’s energy needs while transitioning toward cleaner power sources,” ayon kay SMGP chair and president Ramon Ang. “This represents a major leap forward for our energy future, ensuring not just reliability but also cost-efficient power for many Filipinos,”dagdag niya.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang MGen, sa pangunguna ng businessman na si Manuel Pangilinan bilang chair, at AbotizPower ay mag-i-invest sa SMGP’s 1, 1278-megawatt (MW) Ilijan gas-fired power plant at isang bagong 1,320-MW facility na nakatakdang makumpleto bago matapos ang taon.
Ang tatlong kumpanya ay kukuha ng halos 100 porsiyento ng LNG import at regasification terminal na pag-aari ng Linseed Field Power Corp., isang lokal na yunit ng global infrastructure firm na Atlantic, Gulf & Pacific Co. na nakatanggap ng unang LNG cargo delivery sa bansa noong Abril 2023.
Ayon sa mga kumpanya, ang pasilidad ay gagamitin para tumanggap, mag-imbak at magproseso ng LNG para sa dalawang power plant na nagsusuplay ng kuryente sa pangunahing isla ng Luzon.
“This is a pathbreaking venture,” ayon kay Pangilinan said. “Apart from transforming the energy landscape of the Philippines, this symbolizes a milestone alliance among major players in the energy industry toward a more sustainable future.”
Nilalayon din nitong suportahan ang pagsusulong ng administrasyong Marcos para sa LNG, isang fossil fuel na sinasabi ng mga environmentalist na naglalabas ng halos kasing dami ng carbon dioxide gaya ng coal, bilang isang transition fuel sa renewable energy journey ng bansa.
Kapag ganap nang naging fully operational, ang LNG facility ay inaasahang madaragdagan ang suplay ng kuryente ng bansa na may higit sa 2,500 MW na kapasidad ng henerasyon.
“Both LNG and renewables are needed to achieve a balanced energy mix and well-planned energy transition. Above all, this is a big win for the Philippines and the people,” ayon kay AboitizPower chair Sabin Aboitiz.
Dahil posibleng maapektuhan ang supply ng kuryente ngayon taon dahil sa El Niño phenomenom, sumugal ang mga pangunahing players sa Ilijan pwer plant upang tulungan sila na matugunan ang demand.
Nag-offline ang pasilidad noong Hunyo 5, 2022, dahil sa paghinto ng mga paghahatid ng supply mula sa Malampaya gas field sa malayong pampang sa hilagang-kanlurang lalawigan ng Palawan.
Makalipas ang isang taon, nagpatuloy ang operasyon ng conglomerate San Miguel Corp. kasunod ng paghahatid ng LNG noong Abril 2023.
Lumalabas sa estimates ng industriya, inaasahang lalago ng 6.6 percent ang power demand ng bansa mula sa 17,000 MW noong nakaraang taon.
Lumabas sa datos ng Department of Energy (DOE) na nitong Agosto 2023, ang natural gas ay umabot sa 13 porsiyento ng naka-install na kapasidad ng kuryente ng Pilipinas, na halos kalahati nito ay naaambag pa rin ng coal.
Layunin ng DOE na pataasin ang bahagi ng mga renewable sa pinaghalong enerhiya ng bansa mula sa kasalukuyang 22 porsiyento hanggang 35 porsiyento sa 2030 at hanggang 50 porsiyento sa 2040.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG