MAYNILA – Arestado ang tatlong lalaking South Korean na sangkot sa telecommunications fraud sa Novaliches sa Quezon City, ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Lunes.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga suspek na sina Jin Unghyeon, 29; Choi Sukhyun, 34, at Lee Seungsu, 23, ay nahuli sa aktong nagpapatakbo ng computer workstations para sa panloloko sa pamamagitan ng voice phishing nitong October 27.
Aniya, si Jin ay matagal nang wanted sa Seoul dahil sa pagkakasangkot din sa telecommunications fraud, at umano’y miyembro ng sindikato na nakapanloko ng kapwa nila mga Koreano na umabot sa higit $US840 million o katumbas ng higit sa P42 bilyon mula nang simulan ang ‘voice phishing racket’ noong January 2017.
Sinabi ni Morente, agad na ibabalik sa South Korea si Jin upang kaharapin ang mga kaso nito.
Samantala, sinabi naman ni Rendel Ryan Sy, BI-Fugitive Search Unit acting chief, ang mga kasamahan o kasabwat ni Jin sa iligal na gawain ay kapwa ‘overstaying aliens’, matapos masuri ang mga pasaporte at nakitang ang kanilang tourist visas ay expired na.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna