PATAY ang tatlong senior citizens na magkakapatid matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Taytay, Rizal kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-9:18 ng gabi sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.
Nabatid na nakalabas na ang dalawang babaeng senior citizen sa kanilang nasusunog na bahay pero binalikan nito ang kanilang kapatid na may kapansanan para iligtas.
Itinaas sa unang alarma ang nasabing sunog bandang alas-9:21 ng gabi at ideneklarang under control dakong alas-9:35 ng gabi.
Tuluyang naapula ang apoy pasado alas-9:51 ng gabi. “Nahirapan po ang mga bumbero natin kasi bawat tapak nila sa tubig at sa yero, nakukuryente po sila, pati rin po ako, kasi po kami ang mga first responder. Yung wire nakadikit sa bakal,” sabi ni BFP Taytay Fire Officer 1 John Randolph Baldonado.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung magkano ang danyos ng nasunog na ari-arian at ang dahilan ng nasabing sunog.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund