Sugatan ang tatlong katao matapos pagbabarilin sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa report ng Rodriguez Police, kinilala ang mga biktima na sina Laurence Villamor, Angelo Rovelo at Abu Rumasasa.
Nabatid na naglalakad ang mga biktima dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Abril 19, nang paputukan ang mga ito ng mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Golem at Bato.
Agad tumakas ang mga suspek sa direksyon papunta sa Barangay San Isidro sa nasabing bayan.
Samantala, agad isinugod sa East Avenue Medical Center sa Quezon City na kasalukuyang ginagamot matapos magtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Inaalam narin ang motibo ng pamamaril at nagsagawa na ng dragnet operation o (OPLAN Cobweb) ang Rodriguez PNP para sa mabilis na ikakadakip ng mga nakatakas na suspek. (Ulat ni JOJIT ALCANTARA)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN