December 25, 2024

3 HOLDAPER NG COVENIENT STORE SA CAVITE KALABOSO

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE  –  Kalaboso na ngayon ang maglive-in partner at kanilang kasabwat na mga nangholdap ng Alfa Mart  Convenient store sa Brgy. San Gabriel  General Mariano Alvarez sa Cavite na tumangay sa halagang P92,000 na kita nito noong madaling araw ng Miyerkules makaraang abutan sila ng mga pinagsanib na otoridad ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station, Carmona PNP at ng Sta. Rosa City Police Station na nagsagawa ng hot pursuit and follow up operations sa Hotel Sogo sa lugar ng Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Jaime Christ Camerino at si Maricel Bautista, mga nasa hustong gulang at residente ng Brgy Anabu sa Imus, Cavite at si Glenn Urbano, 25,residente ng Brgy. Habay sa Bacoor.

Batay sa ulat ni Cavite Provincial Police Director Police Colonel Christopher Olazo, natunton ng kanilang tracker team na nagsagawa ng hot pursuit operations ang maglive in partner na sina Camerino at Bautista na nagcheck in sa Hotel Sogo sa nasabing bayan sa Laguna.

Nabawi sa mga suspek ang isang piraso ng caliber 9 milimeter na baril, apat na piraso ng mga cell phones kabilang ang mobile phone ng kumpanya ng Alfa Mart, P55, 680.00.na cash, mga coins na nagkakahalaga ng P1,000.00., assorted goods at isang kulay blue na Honda Civic na may plakang THJ 946 na ginamit na get away vehicle ng mga suspek habang nasakote naman sa kanyang bahay si Urbano at nakuha dito ang ginamit na Yamaha Mio 125i Motorcycle na may plakang 968 QSC, P10,000. cash money, 3 piraso ng mga cell phone at isang cal.38 na baril na may laman na dalawang piraso ng mga bala.

Mahaharap sa patong patong na kaso ang tatlong suspek kabilang ang Robbery at Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions at pansamantalang nakakulong na ngayon sa GMA Cavite Custodial Facility. (KOI HIPOLITO)