NASAMSAM ng mga tauhan ng Laguna Provincial Police Office at Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) ang nasa P3.7 milyon halaga ng shabu sa tatlong drug personalities na kabilang sa high value individual matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operation noong araw ng Sabado, sa Barangay Maytalang ng Lumban, Laguna.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Fred”, 47, “Jim”, 50, at “Cynthia”, 20-anyos, pare-parehong residente sa nabanggit na bayan at mga nakalista bilang mga High Value Individuals sa Laguna Provincial Police Office Drug’s Watch List.
Ayon kay Calabarzon Police Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, nakuha sa posisyon ng mga suspek ang 6 na piraso ng self sealing transparent plastic sachet na may laman ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na 550 grams at nagkakahalaga ng P3,740.000 ang street market value at ang ginamit na buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs of 2002. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD