
SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang si Josefino Almocera, 56. Marilou Perez alyas “Loloy”, 51 at Marlon Dela Cruz, 44, pawang residente ng Caloocan City.
Ayon kay Col. Daro, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa M.H. Del Pilar, Brgy. Tugatog, Malabon City.
Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer at nagawang makipagtransaksiyon sa kanila.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 3.85 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P26,180.00 at buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA