December 24, 2024

3 drug suspects, kulong sa baril at P680K shabu sa Caloocan

Arestado ng mga operatiba ng DDEU-NPD sina Marlou Sidillo alyas “Along”, 29, (HVI) ng Marulas, Valenzuela City, Resty Macalansag, 38, (HVI) ng Brgy. 36, at Jasmin Tayao, 31 ng Brgy. 12, kapwa ng Caloocan City sa buy bust operation sa Tupda St., corner Julian Felipe St., Brgy., 8, Caloocan City. Nakuha sa kanila ang nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na nasa P680,000.00 ang halaga, marked money at isang cal. 25 pistol na may isang magazine at dalawang bala. (RIC ROLDAN)

ARESTADO ang tatlong drug suspects, kabilang ang dalawang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at halos P.7 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief PLTCOL Renato Castillo ang naarestong mga suspek na sina Marlou Sidillo alyas “Along”, 29, (HVI) ng Road 5, Reyes Compound, Marulas, Valenzuela City, Resty Macalansag, 38, (HVI) ng Marulas B., Brgy. 36, at Jasmin Tayao, 31 ng Libis Talisay, Brgy. 12, kapwa ng Caloocan City.

Batay sa report ni PLTCOL Castillo kay NPD Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa sila ng buy bust operation sa Tupda St., corner Julian Felipe St., Brgy., 8 matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activities umano ng mga suspek.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bintahan ng P28,000 halaga ng hinihinalang shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000.00, marked money na isang P1,000 bill at 27 pirasong P1,000 boodle money, isang cal. 25 pistol na may isang magazine at dalawang bala, belt bag at holster.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines.