Balik-kulungan ang tatlong bagong laya na sina Edna Belimac, at ang magkapatid na sina Rommel at Silpicio Gatib Jr. makaraan magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Canumay West, Valenzuela City. Nakuha sa mga suspek ang buy-bust money, timbangan at 7 pirasong plastik sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo. (RIC ROLDAN)
KULONG ang tatlong drug suspects, kabilang ang magkapatid at isang bebot matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Edna Belimac, Rommel Gatib at kanyang kapatid na si Silpicio.
Ayon kay Col. Ortega, bandang alas-11 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Brgy. Canumay West kung saan isang pulis na umaktong buyer ang nagawang makabili ng shabu sa mga ito.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer ay agad lumapit ang back up na mga operatiba at pinosasan ang mga ito.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong plastic sachets na naglalaman tinatayang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA