Patay ang tatlo sa apat na hindi pa kilalang mga miyembro ng hinihinalang gun-for-hire group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat, dakong 1:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kabahaan ng Quirino Highway, Guadanoville Subdivision, Brgy. 183, ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, may nag-tip sa PNP-Highway Patrol Group na isang gun-for-hire group ang dadaan sa lugar kung kaya’t naglatag sila ng isang checkpoint hanggang sa mamataan ng mga pulis ang isang kahina-hinalang kulay silver Mazda (XEL-583).
Nang tangkain harangin ng mga pulis, mabilis na tumakas ang mga suspek na naging dahilan upang mauwi sa habulan hanggang sa makorner ang mga ito sa naturang lugar.
Gayunman, nakipagpalitan umano ng putok ang mga suspek sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo sa kanila habang nagawa namang makatakas ng isa nilang kasama.
Ayon sa pulisya, nag-operate umano ang grupo sa Region 3 at nagpunta sa Quezon City kung kaya’t inaalam pa nila ang pakay ng mga suspek.
Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya kontra sa nakatakas na suspek habang inaalam na ang pagkakilanlan ng tatlong nasawi.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda