
Si Lourdes Gutierrez, Brgy Kapitan ng 163, Zone 14 sa Gagalangin, Tondo Manila ay gumagamit ng isang megaphone habang nakikipag-usap sa kanyang mga nasasakupan upang maghanda para sa ipapatupad na 48 hours hard lockdown mula hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng June 19 hanggang alas-11:59 ng June 20 nang makupirma na 10 sa mga residente nito ay positibo sa COVID-19. Kuha ni Jhune Mabanag
TATLONG barangay sa lungsod ng Maynila ang isasailalim sa enhanced community quarantine o ECQ.
Kaugnay nito nilagdaan ni Isko Moreno Domagaso ang executive orders EO 27 to 29 kung saan nakasaad na pansamantalang isasailalim sa ECQ ang Barangay 60, Zone 5; Barangay 163, Zone 14; at Barangay 844, Zone 92.
Magsisimulang ipatutupad ang 48 hard lockdown alas-12:00 ng hating-gabi ng June 19 hanggang alas-11:59 ng gabi ng June 20.
Ayon kay Isko Moreno ito’y upang magsagawa ng targeted testing at maiwasan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa mga nasabing barangay.
Nanawagan din ang alkalde sa mga residente sa patuloy na kooperasyon para malabanan ang COVID-19.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF