Arestado ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa buy-bust operation sa harap ng isang bahay sa No. 2A MacArthur Highway Brgy. Potrero, Malabon City si Mikel Pucio alyas “Manila Dead Drop” , 25, Kian Earl Bonifacio, 20, at Rochelle Alday, 24. Nakuha sa kanila ang nasa 1000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P120,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 19 pirasong P1,000 boodle money, transparent glass pipe na naglalaman ng marijuana, 2 cellphones at brown eco bag. (RIC ROLDAN)
Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang 24-anyos na dalaga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLTCOL Macario Loteyro ang mga naarestong suspek na si Mikel Pucio alyas “Manila Dead Drop” , 25, Kian Earl Bonifacio, 20, at Rochelle Alday, 24, pawang ng Caloocan city.
Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng NPD-DDEU sa pangunguna ni PLTCOL Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa harap ng isang bahay sa No. 2A MacArthur Highway Brgy.Potrero Malabon City.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P20,000 halaga ng marijuana.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 1000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P120,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 19 pirasong P1,000 boodle money, transparent glass pipe na naglalaman ng marijuana, 2 cellphones at brown eco bag. Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE