Arestado ang tatlong kalalakihan na sina James Okiko, Bryan Capili at Dante Lalog matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Tanada Subd., Gen. T. Deleon Valenzuela City ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police. Narekober sa kanila ang buy-bust money at anim n apiraso ng plastik sachet ng hinihinalang shabu (RIC ROLDAN)

BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa Tañada Subd., Brgy. Gen. T De Leon, ng lungsod.
Nadakma ng mga operatiba sa operation sina James Okiko, Bryan Capili, at Dante Lalog matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang miyembro ng SDEU na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na dami at halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF