November 5, 2024

3 ARAW TIGIL-PASADA NG PISTON, KASADO NA

MAGSASAGAWA ng tatlong araw tigil-pasada ang transport group na Piston simula Nobyembre 20 hanggang 23 para tutulan para tutulan ang Public Utility Vehicle Moderation Program (PUVMP).

Ang transport strike ay kaugnay ng Disyembre 31, 2023 deadline ng gobyerno sa PUVMP.

“Masaker ito sa ating kabuhayan sa pamamagitan ng pang-aagaw sa ating prangkisa, upang magbigay-daan sa monopolyo kontol ng malalaking korporasyon sa transportasyon,” ayon kay Pistron President Mody Floranda.

Nabatid na ang PUV modernization program ay sinimulan noong 2017, sa layunin na palitan ang mga jeepney ng Euro 4-compliant engine para mabawasan ang polusyon.

Tinututulan ito ng mga operators dahil aabot ang kanilang gastusin ng mahigit P2 milyon.

Nilinaw naman ng mga Transport officials na maaari pang mag-operate ang mga tradisyunal na jeepney kahit na lumampas ang deadline kaya lamang dapat na lumahok sa transport cooperatives para maiwasan ang “on-street competition” sa panig ng drivers at operators.

Nalaman na noong Hunyo 30,2023 ang orihinal na deadline pero pinalawig pa ito kasunod ng anunsiyo na transport strikes noong Marso 6 hanggang 12.