Nabakunahan na kontra COVID-19 ang tatlong anak ni Navotas City lone district Congressman John Rey Tiangco na kabilang sa grupo ng kabataan na 5 hanggang 11 taong gulang.
Personal na sinamahan ni Cong. Tiangco at kanyang misis ang kanilang mga anak para mabakunahan sa vaccination site sa Navotas City Hospital.
Kasabay nito, hinikayat niya ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na virus.
“Alam po natin na walang pinipili ang Covid kaya eto po tayo at pinapabakunahan natin ang mga bata para na rin maihanda sila sa pagbubukas muli ng face to face classes,” pahayag ni Cong. Tiangco.
Sinabi ng mambabatas ng lungsod na ang mga magulang na gustong mabakunahan ang kanilang mga anak ay dapat magparehistro at magpaschedule sa https://covax.navotas.gov.ph/. Maaari din aniya magwalk in mula 11am-3pm para sa by school vaccination.
Hanggang February 9, 2022, umabot na sa 1,262 na mga batang Navoteño na 5-11 taong gulang ang NavoBakunado na laban sa COVID-19 sa lungsod.
Nauna rito, sinabi ni Mayor Toby Tiangco, nakatatandang kapatid ni Cong. John Rey na dapat mabakunahan na ang mga bata para makalabas sila at makalaro nang ligtas habang nasa Alert Level 2 ang buong National Capital Region (NCR).
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK