Bukas na ang pagtanggap ng Philippine Sports Commission ng nominasyon para sa itatakdang pagdaraos ng 2nd PSC Gintong Gawad 2022. Ang deadline ng nomination ay hanggang sa Abril 30, 2022.
Ang walong kategorya ay ang Babaeng Atleta, Modelo ng Kabataan; Babaeng Atleta Modelo ng Kabataan (PWD); Babaeng Tagasanay ng Isport; Ina ng Isport; Lider ng Isport sa Kumonidad; Kaagapay ng Isport sa Kumonidad (sponsors/benefactors); Natatangi at Makabagong Produktong Pang Isport; at Propyektong Isport Pang Kababaihan.
“The PSC envisioned the noble project ostensibly to give recognition to women who championed themselves as catalyst in promoting and propagating grassroots sports in their respective communities and localities,” ani PSC Commissioner at Oversight Women in Sports chairperson Dr. Celia Kiram.
Ang inonomina ay 21-anyos at pababa pa lang dapat hanggang Disyemre 31, 2022. Kailangan ding may mabuting rekord sa paaralan at sa pamayanan.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo